Pagturing sa ‘yellowtards’ bilang kalaban ng estado, pinalagan ng opposition senators

Manila, Philippines – Binatikos nina opposition senators bam aquino at kiko pangilinan ang pagbansang ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa “yellowtards” bilang kalaban ng estado.

Giit ni Senator Aquino, walang basehan at malinaw na lantarang political persecution ang paratang ni Senator Aguirre at ng iba pang mataas na opisyal ng gobyerno laban sa mga taga-oposisyon.

Sa kabila nito, tiniyak ni Senator Bam na hindi sila matitinag at patuloy nilang gagampanan ang kanilang trabaho.


Diin naman ni Senator Pangilinan na siya ring Pangulo ng Liberal Party, anti-democratic ang nabanggit na mga kilos ng administrasyong Duterte na dapat tutulan at tuligsain.

Facebook Comments