Pagtutok ni Pangulong Duterte sa pagpapalago sa ekonomiya, hindi apektado ng ingay sa politika

Manila, Philippines – Hindi apektado ng ingay sa politika ang mga hakbangin ng administrasyong Duterte sa pagpapaangat ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperon usec Ernesto Abella, patunay dito ang pag-angat ng local stock market.

Nananatili rin aniyang mataas ang investors confidence sa administrasyon at maging sa economic team.


Kumpiyansa rin ang Malakanyang na lalo pang tataas ang public investment sa mga susunod na buwan dahil sa “Build, build, Build Infrastructure Plan” ng Administrasyon.

Facebook Comments