Pagtutulungan ng lahat kailangan para sa ikakatagumpay ng Ten-Point Policy Agenda, layuning magbangon sa ekonomiya at mamamayan mula sa pandemya

Tiwala si Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na ang Ten-Point Policy Agenda ng administrasyong Duterte ay makakapagbangon sa ekonomiya at mamamayan na nalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.

Para matiyak ang tagumpay nito ay hiniling ni Go ang pagtutulungan mula sa lahat ng sektor.

Diin ni Go, hindi lamang buong gobyerno, kundi buong bansa ang dapat kumilos para tuluyang masugpo ang pandemya at ma-relax ang mga restrictions.


Kasama sa Ten-Point Policy Agenda ang pagbabalik ng face-to-face learning gayundin ang pagpapalakas sa healthcare capacity ng bansa habang binubuksan ang ekonomiya at nagluluwag sa mga restrictions.

Binanggit ni Go na kung mas maraming sektor ng ekonomiya ang mabubuksan ay mas maraming mga kababayan natin ang makakabalik sa kanilang mga trabaho.

Daan ito para mas maraming pamilya ang makakabangon mula sa hirap na dulot ng pandemya.

Pero paalala ni Go, kailangan patuloy tayong mag-ingat at maging disiplinado upang hindi masayang ang pinaghirapan natin sa mga nakaraang taon.

Facebook Comments