Ukraine, makikipagkasundo ng ceasefire sa Russia sa susunod na linggo

392

Nakatakdang magsagawa ng face-to-face talk ang mga kinatawan ng Russia at Ukraine sa Turkey sa susunod na linggo upang magkasundo ang dalawang bansa sa isang ceasefire.

Sinabi ito ng Ukraine kung saan top objective nila ito sa kabila ng agam-agam ng dalawang bansa maging ang Amerika na magtatagumpay ito.

Ayon kay Kremlin spokesperson Dmitry Peskov, bagamat wala pang malaking pagbabago sa mga naunang usapin ay iginiit nito na mahalaga na pag-usapan ang isyu na ito nang harapan.


Sa kabila nito, nakitaan din ng katigasan ng ulo si Russian President Vladimir Putin na hindi tapusin ang giyera.

Samantala, aabot na sa 3.8 milyong katao ang lumikas sa Ukraine bunsod ng mahigit isang buwan na pananakop ng Russia kung saan kumitil na ito ng halos 5,000 katao kabilang na rito ang mahigit 200 bata.

Facebook Comments