Suportado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pahayag ng Estados Unidos kaugnay sa pananakop ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Lorenzana na sang-ayon siya na dapat ay may “rules-based order” na umiiral sa West Philippine Sea.
Nanawagan naman ang kalihim sa China na sumunod sa ruling ng Permanent Court of Arbitration na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito sa karagatan.
Apela pa ng kalihim sa China na sumunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung saan signatory sila.
Giit pa ni Lorenzana na para sa “best interest” ng stability ng rehiyon, dapat pakinggan ng China ang panawagan ng pandaigdigang komunidad na sumunod sa international law at galangin ang mga international agreement.
Matatandaang nagpalabas ng press statement ang US Department of State, kung saan siniguro nito na layon nilang panatilihin ang stability at freedom of navigation sa Indo-Pacific Region sa gitna ng iligal na pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng West Philippine Sea, at pambubully nito sa mga bansang may karapatan sa karagatan.