Pahayag ng isang NEDA ranking official na ang NFA rice ay para sa mga aso, pinalagan

Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ng National Food Authority (NFA) ang komento ng isang ranking official ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Ito ay matapos sabihin ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na may ilang taong bumibili ng NFA rice para sa kanilang alagang aso.

Ayon kay NFA OIC Administrator Tomas Escarez – ang pahayag na ito na nagmumula pa sa isang mataas na opisyal na gobyerno ay sampal sa higit 10 milyong mahihirap na Pilipino na nakadepende lamang sa murang NFA rice.


Banat pa ni Escarez – maituturing itong mataas na uri ng kayabangan, kawalang-habag at pagiging matapobre.

Insulto rin aniya ito sa higit 4,000 NFA employees sa buong bansa na naghahatid ng bigas sa marginalized consumers sa far-flung areas, isolated provinces at poor urban areas.

Ang pahayag ni Edillon ay umani rin ng negatibong reaksyon mula sa mga netizens, kabilang ang mga empleyado ng NFA, retailers at maging sa mga ordinaryong mamamayan.

Facebook Comments