Sunday, March 15, 2026

Pahayag ng isang vlogger na party-list representative na hindi ligtas ang pagsakay sa MRT-3, pinalagan ng pamunuan ng MRT-3

Inalmahan ng pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT-3 ang mga ipinahayag ng vlogger at
Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Pedro na hindi ligtas sumakay sa mga bagon ng tren.

Tiniyak ng MRT3 management na nananatiling ligtas gamitin ang lahat ng 4-car trains.

Dumaan umano ito sa masusing technical evaluation sa pamamagitan ng maintenance provider na Sumitomo.

Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na hindi nila hahayaang makompromiso ang kalistasan ng mga komyuter.

Pasado rin ang signalling system ng MRT-3 at nakapasa ang systema sa pagsusuri ng international rail consultant na Systra.

Pinabulaanan naman ng Department of Transportation (DOTr) na hindi handa ang mga Dalian trains para sa deployment at may kakulangan sa pagsasanay ang mga driver nito.

Facebook Comments