PAIMBISTIGAHAN|Masangsang na amoy mula sa canning factory sa Gensan paiimbistigahan

General Santos City—Ipinag-utos na ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera sa City Environment and Natural Resources na makipag-ugnayan sa Environment management Bureau (EMB) para maimbistigahan ang masangsang na amoy na pinaniniwalaang mula sa canning factory dito sa lunsod.

Kanina, isang forum ang isinagawa na pinamunuan ng Calumpang Parish Church na dinaluhan ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera, mga representative ng ilang canning Factory at mga sangay ng Gobyerno.

Dito pinag-usapan kung paano masulusyonan ang masangsang na amoy na mula sa hindi pa tukoy na canning factory na matagal ng problema ng mga residenti ng ilang barangay na mapalit sa mga canning factory sa Gensan.


Sinabi ni Mayor Rivera na sisikapin nitong agad na masimulan ang imbistigasyon dahil purigido itong ipasara ang canning factory na lumabag sa clean air Act kahit na pagmamay-ari pa ito ng kanyang pamilya.

Napag-alaman na isa sa mga negusyo ng pamilya ng alkalde dito sa lunsod ng Gensan ay pangingisda at cannery.

Facebook Comments