PALALAKASIN | Pansariling depensa ng bansa, hiniling na suportahan ng isang batas

Manila, Philippines – Hinikayat ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano na gawing ganap na batas ang Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Program ng bansa.

Layunin ng isinusulong ng kongresista na mapalakas ang pansariling depensa ng bansa at hindi maging dependent sa maibibigay na tulong ng ibang mga bansa.

Tinukoy ni Alejano na ang kawalan ng progress at kawalan ng batas para sa pagpapalakas ng pansariling depensa ang siyang dahilan kaya kinakaya-kaya at nanghihimasok ang mga dayuhan tulad ng China sa ating Foreign Policy.


Balewala aniya ang ilang dekada na rin na paglalaan ng bilyones na pondo para sa SRDP program gayong wala namang batas na susuporta para dito.

Ilan sa mga problema ay ang hindi ma-sustain na demand sa defense industry, kawalan ng suporta ng pamahalaan, at kakulangan sa istratehiya.
Hiniling din ng kongresista ang pagtatatag ng Defense Research and Development Agency sa ilalim ng pamamahala ng DND na may kakayahang humanap ng partnership mula sa Private at Local Manufacturers para sa pagpapalakas ng depensa ng Pilipinas.

Facebook Comments