Palasyo, ikinalugod ang mga donasyong bumuhos sa PGH

Nagpapasalamat ang MalacaƱang sa mga tumugon sa panawagan ng Philippine General Hospital (PGH) para sa emergency donations.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng nangyaring sunog sa PGH kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinalulungkot nila ang nangyaring sunog.


Pagtitiyak ni Roque na magpapatuloy ang operasyon habang isinasagawa ang pagsasa-ayos.

Pinasalamatan ni Roque ang lahat ng mga tumulong at nagbigay ng kanilang donasyon para sa PGH.

Patunay ito na nananaig ang Bayanihan sa panahong ito.

Kaugnay nito, umapela rin si Vice President Leni Robredo sa publiko na patuloy na mabigay ng tulong para sa PGH.

Facebook Comments