Palasyo, itinangging si dating Senator Bongbong Marcos ang papalit sa puwesto ni Sueno

Manila, Philippines – Itinanggi ng Malacañang na si dating Senator Bongbong Marcos ang papalit sa sinibak na si DILG Secretary Mike Sueno.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – walang nababanggit si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa posibilidad na si Marcos ang pumalit sa pwesto ni Sueno sa DILG.

Sa ngayon aniya ay wala pang napipili si Duterte na susunod na kalihim ng ahensya.


Bago pa man ang pagsibak, mayroon nang lumutang na mga ulat na posibleng i-appoint si Marcos bilang mamumuno sa DILG.

Pero inihayag naman ni Pangulong Duterte na hindi interesado si Marcos na maging kalihim ng ahensya.

Facebook Comments