Muling tiniyak ng panahalaang lokal ng Pasay ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols matapos ilagay sa Alert Level 1 status ang lungsod dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Base sa resolusyon na inilabas ng Pasay City Government, kabilang sa mga dapat na muling sundin ay ang pagsusuot ng facemask at pagpapatupad ng physical distancing.
Kasama pa rito ang paghuhugas ng kamay at panatilihing malinis ang katawan.
Samantala, sa huling ulat nasa mahigit 400 COVID-19 cases kada araw ang nadadagdag ayon sa DOH.
Facebook Comments