Ilang kalye sa Malabon City, pansamantalang sarado ngayong araw

Pansamantalang isasara ng lokal na pamahalaan ng Malabon ang ilang kalye sa kanilang lungsod ngayong araw.

Ito’y upang bigyan daan ang ilang mga aktibidad para sa selebrasyon 22nd Cityhood Anniversary ng Malabon.

Partikular na isasarara ang bahagi ng C. Arellano at Sacristia Street mula alas-10:00 ng umaga.


Kaugnay nito, magpapatupad ng ilang rerouting sa lugar kung saan lahat ng sasakyan na manggagaling sa C. Arellano papuntang bayan ay maaaring dumaan sa General Luna at kumanan sa Rizal Avenue patungong Leoño Street hanggang sa lugar na nais nilang puntahan.

Humihingi naman ng pang-unawa at pakikiisa ang Malabon Local Government Unit (LGU) sa maaapektuhan mga motorista.

Samantala, ang operasyon sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Malabon ngayong araw ay magsisimula ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ito’y dahil sa isasagawang misa para sa pagdiriwang ng kanialng anibersaryo ng pagkalungsod ng Malabon na dadaluhan ng mga kawani ng pamahalaan.

Facebook Comments