*Ilagan City, Isabela- *Nasa 99 porsiyento na ang kahandaan ng pamahalaang Panlungsod ng Ilagan bilang host sa nalalapit na 14th Southeast Asian Youth Games sa buwan ng Marso.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Paul Bacungan, Public Information Officer ng City of Ilagan Government sa naging panayan ng RMN Cauayan sa kanya.
Nakatakda aniya na dumating sa Pebrero 26, 2019 ang mga atleta mula sa 11 na bansa na kalahok para sa Southeast Asian Youth Games.
Nakahanda na rin anya ang mga Hotels na tutuluyan ng mga foreigner athletes habang kasalukuyan pa ang pagsasa-ayos sa ilang pasilidad na maaaring magamit sa naturang palaro.
Sa March 1, 2019 hanggang March 3, 2019, magtatagisan ang mga atleta mula sa 11 na bansa para sa 14th Southeast Asian Youth Games habang sa March 6, 2019 hanggang March 8, 2019 ay gaganapin naman ang National Open na lalahukan ng 15 bansa bukod sa mga piling atleta sa Pilipinas.
Bilang bahagi naman sa CAVRAA 2019 na gaganapin sa March 8, 2019 hanggang March 11, 2019 ay isasagawa ang apat na palaro sa Sports Complex gaya ng Boksing, Gymnastic, Athletic at Special event para sa mga PWD.
Tinatayang nasa higit isang libong manlalaro ang inaasahan para sa magkakasunod na palaro sa Syudad ng Ilagan.
Pinaghahandaan rin ngayon ng Pamahalaang Panlungsod ng Ilagan ang gaganaping Batang Pinoy sa March 16 hanggang March 23, 2019 na lalahukan ng mga batang atleta mula sa buong bahagi ng Luzon.
Samantala, Una nang nakipag-ugnayan nitong buwan ng Enero si City Mayor Evelyn Mudz Diaz sa PNP para sa seguridad sa naturang Sports event.