Pamamahagi ng ayuda sa Lungsod ng Maynila, nasa 99% na

Nasa 99% ng total beneficiaries sa Lungsod ng Maynila ang nakatanggap ng tig-P4,000 na ayuda mula sa national government.

Sa pinakahuling tala ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), umaabot na sa 377,010 na pamilya ang nabigyan na ng nasabing cash assistance kung saan karamihan sa natitirang isang porsyento ay yung mga hindi pa kinukuha ang kanilang ayuda.

Dahil dito, muling nananawagan ang lokal na pamahalaan sa mga indibidwal na nasa listahan ng mga benepisyaryo na kunin na ang kanilang ayuda at huwag ng hinatayin pa ang deadline.


Hinihimok nila ang mga ito na makipag-ugnayan sa MDSW o kaya sa mga opisyal ng barangay upang agad na makuha ang kanilang ayuda.

Samantala, nasa 6,418 na Persons with Disabilities (PWD’s) at 4,236 na solo parents ang nakatanggap na ng kanilang emergency financial assistance.

Nasa 17,125 naman na persons under vulnerable groups ang nabigyan na ng kanilang ayuda base na rin sa inilabas na guidelines hinggil sa pamamahagi nito.

Facebook Comments