Pamamahagi ng Ayuda sa mga Magsasaka, Mangingisda sa Isabela, Nagsimula na

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa apat (4) na libong magsasaka sa probinsya ng Isabela ang nakatakdang mabigyan ng ayuda mula sa Department of Agriculture (DA).

Personal na dumalaw si DA Sec William Dar sa Lalawigan partikular sa brgy Nungnungan 1 ng Lungsod ng Cauayan upang pangunahan ang pamamahagi ng mga tulong pinansyal at food subsidy sa mga magsasaka at mangingisda sa Isabela.

Makakatanggap ang bawat benepisyaryo ng halagang P5,000 kung saan ang P3,000 ay para sa ayudang cash at ang P2,000 ay para sa ayudang pagkain gaya ng manok at itlog.


Ang cash ay maaring kunin sa pinakamalapit na MLhuillier branch sa lugar habang ang ayudang pagkain ay kukunin sa tanggapan ng DA accredited o sa partner na supplier.

Para makuha ang mga nasabing ayuda ay kinakailangan lamang dalhin ang transaction code para sa cash, voucher para sa pagkain, at isang barangay certificate o government issued ID.

Ang mga benepisyaryo ay kinakailangan rin magparehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) sa munisipyo.

Ang mga impormasyon ng nakarehistrong benepisyaryo ay i-eencode sa DA regional office o sa mga katuwang na ahensya.

Makakatanggap naman ng text message ang benepisyaryo kung maaari ng kunin ang financial assistance.

Ang voucher code para sa pagkain ay ipapadala naman sa regional field offices at sakaling matanggap ang mga nasabing code ay maaari nang magtungo sa nabanggit na remittance para kunin ang ayudang pera ganun din sa DA recognized supplier para sa pagkain.

Nagpapasalamat naman si Vice Governor Bojie Dy kay DA Sec. Dar dahil sa suporta at tulong ganundin sa mga magsasaka at mangingisda dahil kung hindi aniya sa kanila ay hindi makikila ang Isabela bilang numero unong producer ng bigas at munggo Capital ng Pilipinas.

Facebook Comments