Pamamahagi ng food pack sa mga pamilyang naapektuhan ng granular lockdown, sisimulan na ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng food pack sa mga pamilyang kasama sa mga lugar na naapektuhan ng granular lockdown.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, magsusuplay sila ng food packs sa mga apektadong residente na loob ng isang linggo.

Habang paliwanag naman ni DSWD Spokerperson at Assistant Secretary Glenda, nakahanda na ang family food packs sa 15 lungsod sa Metro Manila.


May kabuuan itong P7.7 milyon.

Sa ilalim ng Alert Level System, ang mga residente na sakop ng granular lockdown ay hindi papayagang lumabas ng tahanan maliban na lamang sa medical frontliners, mga parating o paalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) at may health emergencies.

Facebook Comments