PAMAMARIL | Isang tanod, patay matapos pagbabarilin

15

Leyte – Patay ang isang tanod matapos itong pagbabarilin sa Barangay Basud San Isidro, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Saturnino Flores, 60-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatayo lang ang biktima malapit sa isang bakeshop kung saan agad itong pinagbabaril ng dalawang hindi nakilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Hindi pa naman malaman ng mga otoridad kung may kinalaman sa illegal na droga o sa eleksyon ang nasabing insidente.

Facebook Comments