Pamamaril sa Isang Magsasaka sa Quirino, Isabela, Pagkasangkot sa Droga ang Tinitignang Motibo!

*Quezon, Isabela-* Pagkasangkot sa droga ang isa sa mga tinitignang anggulo ng kapulisan sa binaril na magsasaka noong Nobyembre 2, 2018 sa isang bukirin ng brgy Rizal, Quirino, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Rostum Ortiguero, hepe ng PNP Quirino, Isabela, blangko parin sa ngayon ang kanyang pamunuan sa pagkakakilanlan ng mga suspek na umano’y dalawang kalalakihan na nakasuot ng helmet.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Quirino, lumalabas na binisita umano ng biktima na si Armando Pascual, 38 anyos, isang magsasaka at residente ng brgy Rizal, Quezon, Isabela ang kanyang dalawang kaibigan subalit habang naghihintay umano ang biktima ay bigla na lamang pinagbabaril ng dalawang suspek na may sakay na motorsiklo na nagresulta sa agarang pagkamatay ng biktima.


Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng bala ng caliber 45.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP para sa pagkakakilanlan at pagkahuli ng mga salarin.

Samantala, inihayag rin ni PSI Ortiguero na ang biktimang si Armando Pascual ay dati ng nahuli dahil sa pagkasangkot sa iligal na droga subalit nakalaya lamang ito.

Facebook Comments