PAMAMARIL SA ISANG MANAGER SA CITY OF ILAGAN, PATULOY NA INIIMBESTIGAHAN

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng City of Ilagan Police Station sa nangyaring pamamaril sa isang Agro-forestry plantation Project Manager sa Sitio Pulang Lupa, Binatacan, City of Ilagan, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLTCol Benjamin Balais, hepe ng PNP Ilagan City, kasalukuyan pa rin aniya na nakikipag-ugnayan ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station sa mga nakakita o witness sa nangyaring krimen sa lugar para sa agarang ikareresolba ng naturang krimen.

Matatandaan na pasado alas 3:00 ng hapon nitong Sabado, Abril 23, 2022, binaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang biktimang si Armando Mateo, 61 taong gulang, may-asawa, Agro-forestry plantation Project Manager at residente ng brgy. Marana 1st ng nasabing Lungsod nang makarating ito sa plantasyon sakay ng hammer type na dyip.

Nabatid na mag-aabot sana ng sahod sa kanilang mga empleyado ang biktima nang mangyari ang krimen na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments