40 NA KABATAAN, NAKIISA SA YOUTH LEADERSHIP SUMMIT NG 5ID

Cauayan City, Isabela- Naging makabuluhan para sa mga kabataan ang isinagawang 3-day Youth Leadership Summit (YLS) ng 5th Infantry Division, Philippine Army na nagsimula noong ika-20 hanggang 22 ng Abril 2022 sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Pinangunahan ni Army Lt Col Emmanuel L Diasen, Commanding Officer ng 5th Civil Military Operations Battalion ang unang araw ng pagsisimula ng programa.

Nagsagawa ng initial na project proposal at camp tour ang mga kabataang nakiisa sa leadership summit.

Ang mga lumahok na kabataan ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley sa ilalim parin ng bawat Brigade ng 5ID.

Bilang panghuling aktibidad, isinagawa ang final project proposal na inihanda ng mga kabataang nakilahok sa nasabing Summit.

Facebook Comments