Pamantayan sa pagbibigay prayoridad sa COVID-19 vaccine, inilatag ng DOH

Nakatakdang unahin ng pamahalaan sa pagbabakuna ang mga indibidwal na pinaka-exposed sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang dahilan kung bakit prayoridad ang frontline health care workers.

Dapat aniya silang protektahan para masiguro ang kakayanan sa pagtugon sa mga pangangailangang medikal sa bansa.


Kasunod ng medical frontliners ang mga senior citizen dahil nasa hanay ng mga nakatatanda ang mas malaking bilang ng mga namamatay sa COVID-19.

Sinabi pa ni Vergeire na napagkasunduan na bago bigyan ng bakuna ang ibang priority groups ay dapat masigurong mababakunahan ang nasa unang prayoridad.

Sakali namang kulangin sa suplay ng bakuna, handang mag-suplay ang lokal na pamahalaan sa mga lugar na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

May sub-prioritization din aniya na ikokonisidera ang gobyerno depende sa mga kaso sa lugar at bilang ng nagagamit na pasilidad o mga kama sa isang healthcare facility.

Facebook Comments