Warehouse sa Las Piñas City, nasusunog!

162

Nasusunog ngayon ang warehouse ng isang online shopping app sa Barangay Talon Singko, Las Piñas City na nagsimula kaninang alas-9:20 ng umaga.

Ayon kay Maru Soriano, barangay official sa Talon Singko, ang naturang warehouse ay ginagamit na drop off point ng Lazada para sa kanilang mga produkto at imbakan din ng mga pintura.


Parte ang warehouse ng isang commercial block na may residential area sa likurang bahagi.

Isa naman ang nawawala sa sunog na patuloy na pinaghahanap.

Hirap din ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa makipot na kalsada papasok sa nasabing warehouse.

Facebook Comments