Makalipas ang dalawang taon, muling nagningning sa entablado ang pambato ng South Africa.
Kinoronahan bilang Miss Universe 2019 si Zozibini Tunzi sa prestihiyosong beauty pageant na idinaos sa Tyler Perry Studios, Atlanta, Georgia nitong Lunes ng umaga, oras sa Pilipinas.
The new #MissUniverse2019 is… SOUTH AFRICA!!!! 🇿🇦 pic.twitter.com/gRW8vcuT3A
— Miss Universe (@MissUniverse) December 9, 2019
Dinaig ng 26 anyos na black beauty ang 89 pang kandidata para makamit ang titulo.
Sa kaniyang speech, inihayag ni Tunzi na gusto niya maging ehemplo sa mga kababayang madalas husgahan dahil sa kulay ng balat nila.
Making a statement… This is Miss Universe South Africa.#MissUniverse2019 LIVE on @FOXtv. Airing in Spanish on @Telemundo. pic.twitter.com/FWpqb0517w
— Miss Universe (@MissUniverse) December 9, 2019
“I grew up in a world where women who look like me with my kind of skin and my kind of hair was never considered to be beautiful.”
“And I think that it is time that that stops today. I want children to look at me and see my face and I want them to see their faces reflected on mine. Thank you,” mensahe ng bagong reyna.
Ito ang ikatlong beses na Aprikana ang nakasungkit ng korona kasunod nina Demi-Leigh Nel-Peters noong 2017 at Margaret Gardiner noong 1978.
Pinarangalang first runner-up si Madison Anderson ng Puerto Rico habang second runner-up naman si Sofia Aragón ng Mexico.
Nabigong makapasok sa top 10 si Miss Philippines Gazini Ganados na tinanghal bilang Best in National Costume.