Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo, naghain ng COC bilang reeleksyunista

Naghain ng certificate of candidacy (COC) si dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang reeleksyunista sa 2025 Elections sa ilalim ng partidong Lakas–Christian Muslim Democrats o Lakas-CMD.

Si Arroyo ay naghain sa filing center ng COMELEC sa Benigno Aquino Hall ng Provincial Capitol.

Sinamahan siya ni Pampanga Governor Dennis Pineda at ng mga local leader mula sa anim na bayan ng ikalawang distrito ng Pampanga na kanyang kinakatawan.


Facebook Comments