PAMPASAHERONG BUS, RUMAMPA SA POSTE SA BAYAN NG ALCALA MATAPOS MAKATULOG ANG DRIVER

Rumampa sa poste ang isang pampasaherong bus sa bayan ng Alcala.
Ang nasabing bus ay minamaneho ng isang Zaldy De Jesus kasama ang kanyang konduktor na si King Del Rosario.
Naganap ang aksidente pasado alas singko ng madaling araw sa Brgy. Balligi habang byahe pa San Fabian ang nasabing bus mula Maynila nang makaidlip ang driver.

Dahil dito ay rumampa sa gilid ng kalsada ang bus bago tumama sa poste at rumampa ulit papunta sa mga kabahayan doon.
Wala naman umanong nasaktan sa aksidente at ligtas naman ang mga sakay ng bus na nailipat ng byahe pauwi ng San Fabian. |ifmnews
Facebook Comments