GRUPO NG TODA SA BAYAN NG MANAOAG, NAGSAULI NG BAG AT PERA

Ipinagmamalaki ngayon sa bayan ng Manaoag ang mga tricycle driver dahil sa kanilang ipinamalas na katapatan.
Sa hiwalay na kwento nina Leo Austria, Edwin de Vera at Jonathan Garcia ng Barangay Licsi (St. Camillus TODA) unang nakapulot si Austria ng bag na may lamang P1,200 na pagmamay-ari ng kanyang pasahero mula sa Barangay Tebuel. Sa parehong araw, nakapulot din ang kanilang Isa pang kagrupo ng mga nalaglag na pera sa tapat ng St.Camillus College Maternity and Polyclinic na nagkakahalaga ng P770.
Sila’y hindi nagdalawang isip na ibalik ang pera kahit pa mahirap ang buhay.

Mula sa IFM lubos kaming humahanga sa inyong katapatan at naway tularan din kayo ng iba pang drivers. |ifmnews
Facebook Comments