Cauayan City, Isabela- Nakikiramay ang buong pamunuan ng 5th Infantry ‘Star’ Division sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo na kabilang sa 11 na nasawi sa labanan ng militar at teroristang grupo ng mga Abu Sayyaf sa brgy Danag, Patikul, Sulu.
Ayon kay MGen. Pablo Lorenzo, Commanding General ng 5ID, Philippine Army, hindi matatawaran ang ipinakitang katapangan at pagbubuwis buhay ng mga sundalo na sa kabila ng may ipinapatupad na Enhanced Community Quaratine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic ay nagawa pa rin gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Maituturing aniya na tunay na bayani ang mga ito at tatatak sa bawat puso ng kasundaluhan.
Bago pa ang araw ng pakikipagbakbakan ng tropa ng pamahalaan sa mga teorista noong April 17, 2020 ay nagkaroon pa aniya ng mga unang labanan.
Pasado alas 11:00 kaninang umaga nang lumapag sa Tactical Operations Group 2-Cauayan City, Isabela ang C2295 plane na lulan ng mga labi nina SSg Jayson P. Gazzingan, ng Brgy. San Rafael East, Sta Maria, Isabela; Cpl Ernesto L. Bautista Jr., Brgy Naguilian Sur, City of Ilagan, Isabela; Pfc Jomel N Pagulayan, Brgy Cataggaman Pardo, Tuguegarao City, Cagayan; Cpl Rasul B. Ao-as, ng Brgy Magsilay, Pasil, Kalinga at si Pfc Benson A Bongguic, ng Brgy Caloocan, Rizal, Kalinga.
Naiuwi at nakaburol na sa kani-kanilang tahanan ang labi ng 5 na inilapag sa TOG2.