Pamunuan ng Bio-Ethanol Plant sa Isabela, Inireklamo

Cauayan City, Isabela- Humihingi ng paumanhin at pang-unawa ang pamunuan ng Bio-Ethanol Plant sa mga mamamayan na direktang apektado sa mistulang pag-ulan ng abo mula sa kanilang planta.

Ayon kay Ginoong Marcelo Karaan ng GFII, inamin nito na problemado sila sa nangyayari dahil sa pagkasira ng kanilang Electrostatic Precipitator na siyang dahilan ng pag-ulan ng abo sa mga lugar na malapit sa planta na kinabibilangan Barangay Mallabo, Santa Filomena; Barangay Poblacion at Lucban sa Bayan ng Soliven.

Aniya,nakikipag ugnayan na sila sa mga opisyal sa mga apektadong barangay upang ipaliwanag ang kanilang hakbang upang maibsan din na sila’y ulanin ng mga batikos.


Dagdag pa nito na hinihintay na lang nila ang mga kakailanganin gamit upang maayos at mapalitan ang ESP na nagmula pa sa bansang India.

Nakatakda umano nilang ayusin ang planta sa buwan na July kung saan inaasahang darating ang mga gamit nito.

Una rito ay mistulang inulan din ng mga batikos ang nasabing kumpanya dahil sa halos paulit-ulit nitong reklamo ng mga mamamayan sa dalawang bayan hinggil sa ‘di maayos na operasyon ng kanilang planta.

Aminado ang kumpanya na malaki ang epekto ng pag-ulan ng abo sa mga kabahayan ngunit kanilang sinabi na pilit naman nilang ginagawan ng paraan pansamantala hanang wala pa ang mga gamit nila sa pamamagitan ng paglilinis sa kanilang ESP, isang beses kada linggo at balak na pagsasagawa naman ng mga medical mission sa mga kalapit na barangay na apektado sa kanilang operasyon.

Facebook Comments