Pandesal Mula Sa BJMP, Ipinagmalaki!

Cauayan City, Isabela – Ipinagmamalaki parin hanggang sa ngayon ang pandesal na gawa ng ilang bilanggo sa BJMP Cauayan City kung saan piso lamang bawat isang piraso na may katamtaman ang laki nito.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Jail Chief Inspector Atty. Romeo Villante Jr. ng BJMP Cauayan City, aniya matagal nang ginagawa ito ng ilang bilanggo ang pagluluto ng pandesal sa loob ng BJPM .

Ito ay bilang isa umano sa pinagkakaabalahan at pinagkakakitaan ng mga inmates at maari ding bumili o omorder ang ilan kapag mamasyal ang kamag-anak ng mga bilanggo.


Samantala maliban sa paggawa ng pandesal ay marami pang produktong ginagawa ang mga inmates tulad ng souvenir,display products, paso ng halaman na gawa mula sa gulong ng sasakyan at iba pa.

Facebook Comments