PANGAKONG TUTUPARIN | PRRD, nangako sa mga OFW sa Israel

Israel – Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel na turuparin niya ang kanyang mga pangako sa sambayanan noong panahon ng halalan.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa harap ng Filipino community sa Israel ay sinabi ni Pangulong Duterte na tinatrabaho na niya ang lahat ng kanyang mga pangako para matupad ang mga ito.

Ang mga pangakong ito aniya ay ang pagsugpo sa katiwalian sa gobyerno kung saan ipinagmalaki ni Pangulong Duterte na marami na siyang sinibak at walang kontrata sa gobyerno ang dumarating sa kanyang tanggapan.


Nangako din naman si Pangulong Duterte na patuloy ang laban ng kanyang administrasyon sa iligal na droga kung saan sinabi ng Pangulo na ang laban na ito ay para maprotektahan din ang mga pamilya ng mga OFW na naiwan sa Pilipinas.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na patuloy na isusulong ng kanyang administrasyon ang paghahanap ng kapayapaan hindi lang sa Mindanao kundi pati na rin sa buong bansa.

Nangako din naman si Pangulong Duterte na pangangalagaan ang kapakanan ng mga Pinoy na nasa labas ng bansa kung saan sinabi pa nito na ang buhay ng mga OFW ay mahalaga sa pamahalaan.

Facebook Comments