Pangamba ng mga magsasaka sa rice importation, pinawi ng Department of Agriculture

Manila, Philippines – Muling sinabihan ni Agriculture Sec. Manny Piñol ang mga magsasaka na huwag matakot sa plano ng gobyerno na i-liberalize ang rice importation.

Pagtitiyak ng kalihim – hindi magiging dahilan ng pagtigil ng produksyon ng local rice ang pag-aangkat ng bansa ng bigas.

Paliwanag ni Piñol, limitado ang world supply ng bigas at kapag tumaas ang importation ng bansa ay tataas din ang presyo sa world market.


Hindi rin naman aniya habambuhay na sasandal ang Pilipinas sa Vietnam, Thailand at ibang rice exporting countries dahil lumalaki rin ang populasyon ng naturang mga bansa.
Nitong Pebrero nang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tarrification Law kung saan inaalis nito ang limitasyon sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Facebook Comments