Pangamba ng mga OFW sa online voting, pinatutugunan sa COMELEC

Umapela si Senator Robinhood Padilla sa Commission on Elections (COMELEC) na tugunan ang pangamba ng mga OFW tungkol sa online voting para sa nalalapit na midterm elections.

Ipinarating ng senador sa COMELEC na hindi komportable ang mga OFWs sa planong online voting at mas kampante sila sa lumang sistema matapos niyang magtungo sa ilang bansa sa Europa at sa Middle East kamakailan.

Ayon kay Padilla, lahat ng mga OFW na kanyang nakausap ay may iisang pakiusap na yung dating nakagawian sa pagboto nila overseas ang gawin at hindi ang online voting.

Mahalagang aksyunan agad ito ng COMELEC dahil may ilang kababayan na ang nagbanta na ibo-boycott ang halalan kapag hindi ito magagawan ng paraan.

Nanawagan naman si Padilla sa mga kababayan sa abroad na gawin ang kanilang karapatang makaboto at maging mapagbantay sa

Facebook Comments