Cauayan City, Isabela- Wala umanong dapat ipangamba ang isang barangay kapitan hinggil sa droga kung ito ay talagang malinis at walang kinalaman sa iligal na droga.
Ito ang binigyang diin ni DILG USEC Martin Diṅo sa programang Straight to the Point ng RMN Cauayan kaninang umaga hinggil sa usaping pangangamba ng ilang opisyal na baka sila’y kabilang sa siyam na libong barangay kapitan na may kinalaman sa droga.
Aniya, hindi naman umano matatakot ang isang opisyal kung wala talaga itong kinalaman sa droga.
Natatakot lamang umano ang isang opisyal kung ito ay positibo at may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon pa kay USEC Diṅo, kung magkataon man umano na ganon ang mangyayari ay mismong barangay na umano ang magdedesisyon at magpapatunay kung totoo nga bang wala itong kinalaman sa droga.
Samantala, binatikos rin ni USEC Diṅo ang ilang mga barangay kapitan na nagpabaya sa Metro Manila hinggil sa pagpapabaya sa mga side walk vendor na magtinda sa mga gilid ng lansangan at pagpapabaya sa mga lansangang ginawang Basketball court at ginagawang parking lot ng mga pulitiko.
Aniya, hindi na umano nila hahayaang mangyayari pa muli ito.