Pangha-harass ng China sa grupo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana – minaliit lang ni dating Pangulong Fidel V Ramos

Manila, Philippines – Dinedma lamang ni dating Pangulong Fidel Ramos ang pangha-harass ng Chinese military sa grupo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nang bumisita ito kahapon sa Pag-Asa island.

Magugunitang apat na beses na nagpadala ng radio message ang Chinese military para itaboy ang c-130 plane kung saan sakay si Lorenzana, ilang military officials at miyembro ng Defense Press Corps.

Sinabi ni Ramos na dapat balewalain na lamang ni Lorenzana ang nasabing insidente dahil tine-testing lamang sila ng China.


Ayon kay Ramos – hindi dapat kalimutang eksperto sa diplomasya ang mga Chinese kaya hindi counterpart ni Lorenzana ang nagsalita, kundi isang minor junior spokesman para madali lamang itong itanggi ng Beijing.

Nation

Facebook Comments