iFM Laoag – Kinompirma ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc ang panglimang kaso na positibo sa COVID-19 sa lalawigan.
Sa kanyang official statement, inilahad nito na ang biktima ay isang buntis na babae na residente ng Barangay Duripes sa bayan ng Bacarra.
Nanggaling umano ang biktima sa Parañaque at dumating sa Ilocos Norte noong June 21. Dito na nakaramdam ng symptomas ang biktima at nailagay sa Mariano Marcos Hospital sa lungsod ng Batac noong lunes, June 29 – at dito napag-alaman na positibo sa pamamagitan ng SarsCov2 test.
Gayun paman, nagsagawa na ng contact tracing ang nasabing bayan at naka quarantine na ang barangay Duripes sa ngayon.
Ito na ang panglimang nagpositibo sa nasabing sakit, habang nagnegatibo naman ang apat na naunang nadapuan nito.
Payo naman ng Gobernador sa mga mamamayan ang pagiging bigilante sa lahat ng oras at patuloy sa pagsunod ng DOH Health protocols.
Nasa ilalim parin ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Ilocos Norte. – ( Bernard Ver, RMN News )