Pangulong Duterte, Bagsak ang Grado sa Militanteng Grupo sa Cagayan Valley

Cauayan City, Isabela – “Walang pinagkaiba sa nagdaang Pangulo at walang pinagbago”. Ito ang nagkakaisang opinyon ng mga progresibong organisasyong magsasaka sa lambak ng Cagayan kaugnay sa ika-anim at huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa DAGAMI o Danggayan Dagiti Mannalon Iti Isabela, bagsak ang ibibigay nilang grado sa kabuuan ng administrasyon ng pangulo.

Ayon pa sa grupo, ilan sa mga usaping tinalikuran umano ng pangulo ang pangako sa usapin ng malalaking dayuhang pagmimina na nakaambang magpatuloy ng panibagong 25-taon ang operasyon ng *OceanaGold Philippines Inc. (OGPI)* sa *Kasibu, Nueva Vizcaya* sa kabila ng malawakang pagtutol ng mga mamamayan sa dayuhang minahan.


Malaking dagok din umano sa mga magsasaka ang *Rice Tariffication Law**.*

Sa ginawang pag-aaral ng Anakpawis sa datos ng *Philippine Statistics Authority (PSA)*, may pagbaba ang produksiyon ng palay sa Nueva Vizcaya. Nagtala ito ng *15,968 MT* na pagbaba o *5.92%* noong *2020**.*

Bumaba nang *P3.00* hanggang *P7.00* ang presyo ng palay sa Isabela. Sa tala pa ng *Dagami* noong anihan ng *Oktubre* hanggang *Nobyembre 2020* ay *P11 kada kilo* sa sariwa at *P15 kada* *kilo* sa tuyong palay. Mababa ito kumpara noong *2018* na *P18 kada kilo* sa sariwa at at *P22 kada kilo* sa dry palay.

Samantala, ganito din ang daing ng mga magsasaka sa Cagayan na nakaranas umano ng mas mababang presyo ng palay.

Dagdag pa ng militanteng grupo, umabot sa *14 porsiyento* o *311, 975* lang ng magsasaka sa buong Isabela ang nakatanggap ng *P5,000 ayuda* mula sa DA para sa *walong buwan* na lockdown sa probinsya.

Marami umano ang hindi kwalipikado sa ayuda dahil walang sariling lupa, dahil karamihan hindi rehistrado sa *RSBSA (Registry System for* *Basic Sector in Agriculture)* ng mga *local Agriculture Office**.*

Tanggalan naman sa trabaho ang sinapit ng mga manggagawa sa tubuhan. Sa pagsisiyasat ng *Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA)-Sta. Maria, Isabela**, **287 manggagawa* ang tinanggal sa trabaho sa kalagitnaan ng pandemya.

Facebook Comments