IKINATUWA NG MARAMING BANGSAMORO ANG PANGAKO NI PRESIDENTE DUTERTE NA BAGO MAGTAPOS ANG BUWAN NG MAYO NG TAONG KASALUKUYAN AY LULUSOT NA ANG BANGSAMORO BASIC LAW O BBL NA MATAGAL NG HINIHINTAY NG MGA BANGSAMORO PARA SA GANAP NA KAPAYAPAAN SA MINDANAO.
KAHAPON PUMUNTA SI DUTERTE SA BAYAN NG BULUAN MAGUINDANAO UPANG PANGUNAHAN ANG LAUNCHING NG MAGUINDANAO BALIK BARIL PROGRAM.
DAGDAG PA NI PANGULONG DUTERTE NA MAARING MAGRESIGN SIYA SA KANYANG POSISYON KAPAG HINDI LULUSOT ANG BBL. MALAKI ANG PANINIWALA NI PANGULONG DUTERTE NA ANG BBL AY SAGOT SA MATAGAL NG KAGULUHAN AT KAHIRAPAN SA REHIYON NG MINDANAO. NAIS DIN NG PANGULO NA ISULONG SA BUONG KAMINDANAWAN ANG MINDANAO LAND REFORM AREA PARA MAIANGAT ANG KABUHAYAN AT EKONOMIYA NG TAGA MINDANAO. MATATANDAAN APRUBADO NA NG JOINT COMMITTEE LEVEL SA HOUSE OF REPRESENTATIVE ANG BBL BTC VERSION MATAPOS MAGBOTOHAN ANG TATLONG KOMITE SA KONGRESO.(Report from Nash Alfonzo)
Pangulong Duterte dumalaw sa Buluan Maguindanao at nangakong ipapasa ang BBL ngayon taon
Facebook Comments