Pangulong Duterte, handang buksan muli ang peace talks sa komunistang grupo pero sa ilang kondisyon

Manila, Philippines – Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na muling simulan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDFP.
 
Sabi ni Pangulong Duterte, sa ngalan ng kapayapaan ay handa siyang muling makipag-usap sa komunistang grupo sa isa pang pagkakataon.
 
Binigyang diin pa ng pangulo na gusto niyang makita ang sinseridad sa panig ng npa na pumatay sa isang sundalo sa kasagsagan ng umiiral na ceasefire.
 
Kasabay nito, naglatag si Pangulong Duterte ng kanyang mga kondisyon para pumayag na muling buksan ang peace talks.
 
Una, dapat ay palayain ng NPA ang lahat ng mga hawak nilang pulis, sundalo at mga nasa gobyerno.
 
Gusto rin ng pangulo na tigilan na ng komunistang grupo ang paghingi ng kung anu-anong mga bagay  maging ang paghingi ng revolutionary tax.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments