Pangulong Duterte, hinamon na ipasa ang P750 national minimum wage bago matapos ang termino

Hinamon ng isang labor group si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing legasiya sa kaniyang administrasyon ang pagtatakda ng national minimum wage sa ₱750.

Sabi ng Kilusang Mayo Uno (KMU), may isang buwan pang natitira si Pangulong Duterte para ipatawag ang kongreso at maipasa ang panukalang pambansang minimum wage.

Una nang sinabi ng ilang labor group na masyadong maliit ang mga idinadagdag na umento sa sahod ng mga manggagawa sa iba’t ibang Regional Tripartite Wages and Productivity Board.


Sabi naman ni Unity for Wage Increase Now spokesperson Charlie Arevalo, dapat pag-aralan ng gobyerno ang kasalukuyang family living wage o yung kailangang kita ng isang pamilya para makapamuhay nang marangal sa mga ipatutupad na salary increase

Facebook Comments