Pangulong Duterte, magse-self quarantine na rin

23

Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-75 kaarawan ngayon ay sisimulan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang self quarantine.

Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo.


Ayon kay Panelo, ang hakbang ng Pangulo ay bilang pagsunod sa payo ng Presidential Security Group o PSG at ng kanyang mga doktor.

Layunin nito na maproteksyunan ang Pangulo kasunod ng pakikisalamuha niya sa ilang opisyal na nagpositibo sa COVID-19.

Tiniyak naman ni Panelo na patuloy na magtatrabaho si Pangulong Duterte kahit ito ay naka self quarantine.

At birthday wish aniya ni Pangulong Duterte na manatili sa mga tahanan ang mamamayan para mabura na ang Coronavirus sa ating bansa.

Facebook Comments