Pangulong Duterte, nakakuha ng mataas na approval rating sa 2020 Ulat ng Bayan national survey ng Pulse Asia

Photo Courtesy: Presidential Communications Operations Office

Nakakuha ng mataas na approval rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2020 Ulat ng Bayan national survey ng Pulse Asia.

Ito’y kaugnay sa pagsukat sa performance at trust level ng limang pinakamataas na opisyal ng gobyerno na isinagawa mula September 14-20, 2020.

Nakakuha si Duterte ng 91% na approval rating.


Ito’y mas mataas sa 87% noong September 2019.

Bumaba naman ng 1% ang nakuha ni Vice President Maria Leonor Robredo.

Nakakuha siya ng 57% approval rating na bahagyang bumaba kumpara sa 58% noong 2019.

84% ang nakuhang approval rating ni Senate President Vicente C. Sotto III, habang 70% naman si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Nakakuha naman si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ng 44%.

Facebook Comments