Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng NLEX harbor link road project.
May habang 5.85 kilometers ang elevated expressway na magmumula sa NLEX, dadaan sa Mcarthur Highway Karuhatan at magtatapos sa 10 road na halos bukana na ng lungsod ng Maynila.
Sa pagbubukas ng naturang expressway ay hindi na kailangang dumaan pa sa Edsa at sa Balintawak toll plaza ang mga cargo trucks mula Port of Manila.
Gaganapin ang aktibidad mamayang alas-singko ng hapon kung saan ay inaasahang makakasama ni Pangulong Duterte sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Public Works Secretary Mark Villar, at iba pang opisyal ng pamahalaan. Bago ang inagurasyon ay dadaluhan din ni Pangulong Duterte ang groundbreaking ng NLEX-SLEX connector road project na magpapaigsi ng biyahe mula southern metro manila patungong Northern Luzon nang hindi dumadaan sa Edsa.
Pangulong Duterte, pangungunahan ang pagbubukas mamayang hapon ng NLEX Harbor Link Segment 10 project
Facebook Comments