Posibleng magkaroon ng pagpupulong sa White House sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at United States President Joe Biden sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
Ayon kay Romualdez, kumpiyansa siyang magaganap ang courtesy call ni Pangulong Marcos kay US President Biden sa 2023 at inihahahanda na rin aniya ang mga magiging talakayan hinggil dito.
Dagdag pa ni Romualdez, bagama’t ayaw bumiyahe ni Pangulong Marcos Jr., ng maraming beses, ito ay kinakailangan para sa mga pinuno ng bansa dahil ang diplomasya ay isinasagawa nang harapan.
Nais rin aniya ng pangulo na ang kanyang mga pangako ay planado at mailalatag sa tamang paraan.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ang magiging schedule ng pagpupulong ni Pangulong Marcos at US President Biden.