Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inihayag sa publiko ang susuotin ng maybahay na si Liza sa SONA mamaya

101

Isang tradisyonal na terno na dinisenyo ng tanyag na designer na si Lesley Mobo ang isusuot ng maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na si Lisa sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) nito.

Inihayag ito mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang official Facebook Page account.

Aniya, inihabi ang mga disenyo ng piña calado, victorian lace, at gold na sinuksok sa kasuotan samantalang gawa sa heavy stretch georgette ang tela nito.


Likha naman ni Lila Almario ang sapatos na kanyang susuotin sa naturang okasyon.

Tunay nga raw na maipagmamalaki ang obrang Pinoy sa anumang larangan.

Facebook Comments