Kalibo, Aklan – Kahit na mapirmahan pa ni President Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 hindi kayang tibagin nito ang paninindigan ng mga militanteng grupo sa lalawigan ng Aklan. Ito ang pahayag ni Bayan Aklan Provincial Chairperson Kim Sin Tugna.
Ayon kay Tugna, kahit na makikita sa nasabing Anti-Terrorism Act na aarestuhin at ikukulong ng matagal ang kahit representante man lang ng isang organisasyon na kumakalampag sa gobyerno hindi sila natatakot dito.
Wala aniyang makakapigil sa kanila na lumabas ng kalsada ayon kay Tugna, dahil ginagawa lamang nila ito hindi para hiyain ang pamahalaan kundi ito’y isang adbokasiya para ipaabot ang hinaing ng maliliit na mga mamamayan na nakaligtaang bigyang pansin ng mga namamahala…
Facebook Comments