Sa inilabas na pahayag ng ISPPO, sinabi ni Provincial Director PCOL Agosto M. Asuncion na agad na nagsagawa ng mga hakbang ang pulisya upang matunton ang mga salarin at mapabilis ang imbestigasyon sa krimen.
Kaagad na ipinatupad ng mga awtoridad ang dragnet operations at seal-off plan matapos ang insidente. Nakipag-ugnayan din ang Cabugao Municipal Police Station sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) at KIMAT personnel para sa masusing pagproseso at pagsusuri sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon sa ISPPO, ginagawa na umano nila ang lahat upang matukoy, matunton, at maaresto ang mga responsable sa pamamaril.
Patuloy din umano nilang pinaigting ang intelligence gathering, imbestigasyon, at iba pang operasyong pangkapulisan bilang bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad.
Nanawagan naman ang Philippine National Police sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad na magbigay ng anumang impormasyon na maaaring makatulong sa kaso sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







