
Sinuspinde ng 30 araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 24 na unit ng North Genesis Bus Line.
Ito ay para bigyang daan ang imbestigasyon sa kinasasangkot ng bus ng nasabing kumpanya sa pagsalpuk sa nakaparadang truck sa Baguio City, na ikinasawi ng 1 kundoktor habang 6 naman ang sugatan nitong Martes, June 16.
Ayon sa LTFRB, aalamin nila sa imbestigasyon kung may pagkukulang sa ilalim ng mga panuntunan ng certificate of public convenience ng nasabing kumpanya, habang ssasailalim naman sa drug testing ang kanilang mga driver at isasagawa ang roadworthiness inspection sa mga suspendidong unit.
Samanala, patuloy naman ang pag-aasikaso ng ahensya sa insurance at tulong para sa mga biktima at kanilang pamilya.
Facebook Comments










