Friday, June 19, 2026

BOC, muling sinampahan ng reklamo sa DOJ ang forwarders na nagpabaya sa balikbayan boxes ng OFWs

Nagsampa ang Bureau of Customs (BOC) sa pangunguna ni Commissioner Ariel Nepomuceno ng ikalawang batch ng reklamong kriminal sa Department of Justice (DOJ) laban sa limang cargo forwarding firms na sinasabing sangkot sa maanomalyang operasyon ng balikbayan boxes.

Kabilang sa mga kinasuhan ang Ikthus Trading Corporation, Marcelo D. Laylo Cargo Forwarders, Me Amoree International Consumer Goods Trading, MT De Guzman Non-Specialized Wholesale Trading, at Cargoflex Haulers Corporation dahil sa mga paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at iba pang batas.

Nabatid na may kaugnayan ang mga kaso sa mahigit 3,100 na abandonadong balikbayan boxes na natuklasan sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Sa imbestigasyon ng BOC, natuklasan ang misdeclaration at undervaluation ng mga kargamento, iligal na deconsolidation activities, smuggling, hindi pagdedeklara ng commercial goods, pagpasok ng mga ipinagbabawal at regulated items, at paglabag sa intellectual property rights.

Ang naturang reklamo ay Kasunod ng unang batch na isinampa noonv Mayo 29 laban sa Makati Express Cargo Incorporated.

Paliwanag ng BOC, nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa iba pang cargo forwarding firms habang pinalalakas din ng ahensya ang pagbabantay sa cargo consolidators at deconsolidators upang maprotektahan ang mga pinaghirapan mg mga ofws para sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments