Panukala na gawing regular holiday ang eleksyon sa bansa, umusad na sa Kamara

Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 8187 o panukala na gawing regular holiday ang national at regional elections sa bansa.

Kasama rito ang mga plebisito, referendum, people’s initiative, recall election, special election at iba pang proseso ng botohan.

Aamyendahan ng panukala ang Administrative Code of 1987 na naglalaman ng listahan ng mga regular holiday sa Pilipinas.


Kapag naisabatas ang panukala, hindi na kakailanganin na maglabas ng proclamation order ang pangulo para ideklarang special non-working holiday ang araw ng halalan.

Layunin ng panukala na mahikayat ang mas maraming Pilipino na bomoto.

Facebook Comments